Biyernes, Oktubre 18, 2013

Ang Bansang Korea


Flag South-Korea animated gif 240x180
Ang Korea ay nagsimula nang mabuo ang Joseon (ang pangalang Gojoseon ay mas kadalasang ginagamit upang hindi malito sa isa pang Dinastiyang Joseon na nabuo noong ika-14 na dantaon; ang unlaping Go- ay nangangahulugang 'Luma' o 'Sinauna') noong 2333 BCE ni Dangun. Ang Gojoseon ay lumawak hanggang sa mak-ontrol na nito ang kabuuan ng tangway ng Korea at ilang bahagi ng Manchuria. Pagkatapos ng maraming mga digmaan laban sa Tsinong Dinastiyang Han, ang Gojoseon ay bumagsak, at nagsimula ang Panahon ng Tatlong Kaharian ng Korea.


Ang Korea ay dating binansagang "Hermit Kingdom". Ayon sa kasaysayan, ito ay nasakop ng dayuhang bansa at nasupil pa ng ilang bansa sa magkakasunod na panahon. Bunga marahil ng kapaguran sa sunod-sunod na panunupil, napagisipan ng mga Koreano na iwasan muna ang labis na pakikisalamuha as ibang bansa upang mapagtuunan ng pansin ang higit na paglilinang at pagpapatibay ng kanilang kultura.

Ang Simula ng Korea

Kasaysayan ng Korea ay nag simula noong 2333 BCE. Ayon sa alamat, ang kauna-unahang kaharian ng Korea na tinawag na Choson na itinatag ni Tan-gun ay nangangahulugang "Lupain ng Mapayapang Umaga" at ito ay binubuo ng kaharian o dinastiya. Ang lupain ay hindi nagkaroon ng katatagan at kapayapaan hanggang sa ito ay bumagsak at nahati sa tatlong kaharian ng Koguryo, Paekche, at Silla.


Ang Kaharian ng Koguryo


Ang Koguryo ang unang  nalinang bilang isang kaharian sa kapatagan ng Yalu River. Ang Tribong Koguryo ay laging nangangaso upang may makain. Dahil dito, pinalakas ni Tong-myong ang hukbong militar ang pangkat upang mapaunlad ang kanilang kapangyarihan. Ginamit niya ang hukbong ito upang mapalawak ang lupain ng kaharian at makagupo ng mga aliping magsasaka sa mga lupaing magkakaloob sa kanila ng permihang mapagkukunan ng pagkain.


Sinakop ng mga Koguryo ang mga kalapit ang mga tribo nito at napagtagumpayang maitaboy ang mga Tsino na naninirahan sa hangawa noong 313 BCE. Noong 37 BCE, sinakop ng kahariang Koguryo ang hilagang bahagi ng Korean Peninsula hanggang sa manchuria nasakop ng Tsina sa kaslukuyan.

Ang Kaharian ng Paekche

Ang kahariang Paekche ay matatagpuan sa katimugang bahagi ng Han River sa Seoul. Taliwas sa mga Koguryo, ang pangkat ng Paekche ay mapayapa at laging umiiwas sa pananalakay ng ng mga Koguryo hanggang sa maisipan nilang itatag ang kanilang kaharian sa timog-kanlurang bahagi ng peninsula.

Ang Kaharian ng Silla



Ang Silla ang pinakamahina sa tatlong kaharian. Isinanib ng kahariang Kaya sa kanilang at nagtatag ng pinag-isang kaharian sa ilalim din ng pangalang Silla sa timog-silangan ng peninsula. Ang Silla ay pumasok sa isang kasunduang militar sa dinastiyang Tang ng Tsina upang talunin ang mga kaharian ng Koguryo at Paekche, ngunit ito'y umatras sa kasunduan nang mapannsin ang balak ng Tsina na sakupin ang mga kaharian.








Ang Pananalakay ng Japan sa Korea

Sa loob ng dalawandaang taon, naranasan ng mga Koreano ang kapayapaan sa ilalim ng Dinastiyang Choson. Ngunit noong mga huling taon ng ika-16 na siglo,muling naharap ang bansa sa isang sulranin. Matapos tanggihan ng Korteng Choson ang pakiusap ni hideyoshi ng Japan na pagkalooban sila ng daan para sa kanyang pananalakay sa Tsina, kaagad inilunsad ng Japan ang isang kampanya laban sa Korea at isang madugong digmaan ang naganap. Hinarap ng mga Koreano ang mga Hapones at kanilang napagtagumpayan ang digmaan sa dagat Almirante Yi Sunshi. Sa kaunaunahang pagkakatan, natalo ang Japan ng Korea. Matapos ang labanang ito, muling nawasak ang Korea nang tulungan nito ang Tsina sa pakikidigma laban sa mga Manchu. Nang matapos ang pananakop ng Dinastiyang Manchu, isinara na ng Korea ang bansa at sa loob ng dalawandaan at limampung taon, ito ay namuhay nag nakabukod sa daigdig.

Bago ang Pagkakahati

Sa unang dantaon ng Pangkaraniwang Panahon, ang Kaharian ng Buyeo, Okjeo, Dongye, at ang konpederasyon ng Samhan ay ang mga sumasakop sa tangway ng Korea at sa katimugang bahagi ng Manchuria. Sa mga maliit na mga estado nito, ang Goguryeo, Baekje, at ang Silla ang lumago at kumontrol sa tangway bilang Tatlong Kaharian ng Korea. Ang pag-iisa ng Tatlong kaharian sa pamamagitan ng Pinag-isang Silla noong 676 ang nagpasimula ng Panahong Hilagag-Timog Estado, kung saan ang karamihan sa tangway ng Korea ay kontrolado ng Pinag-isang Silla, samantalang ang Balhae ang sumakop sa hilagang bahagi ng Goguryeo. Sa Pinag-isang Silla, ang tula at sining ay pinaunlad, at ang kulturang Budhista ay pinalaganap. Ang relasyon sa pagitan ng Korea at Tsina ay nanatiling mapayapa sa mga panahong ito. Subalit ang Pinag-isang Silla ay humina dahil sa mga panloob na kaguluhan, at sumuko sa Goryeo noong 935. Ang Balhae, Ang kalapit ng Silla sa hilaga, ang sumakop dito at naging Goguryeo. Noong panahon ng kanilang kaunlaran, kontrolado ng Balhae ang halos lahat ng bahagi ng Manchuria at ilang bahagi ng Rusya. Ito ay bumagsak sa mga Khitan noong 926.

Pagkatapos ng Hilaga-Timog na Panahon, ang mga sumunod na estado dito ay lumaban para sa pamamahala noong huling bahagi ng panahon ng Tatlong Kaharian. Ang tangway ay lumaong pinag-isa ni Wan Geon ng Goryeo. Gaya ng Silla, ang Goryeo ay isang mataas na estadong kultural at nabuo ang Jikji noong 1377, gamit ang pinalumang bakal na gumagalaw na palimbagan.
Ang pananakop ng mga Mongol noong ika-13 dantaon ay labis na nagpahina sa Goryeo. Subalit, ang Goryeo ay napanatiling mamuno sa Korea bilang alyadong sangay ng mga Mongol. Pagkatapos ng pagbagsak ng Emperyong Mongolia (Dinastiyang Yuan), ang Goryeo ay nagpatuloy sa pamumuno. Pagkatapos ng maraming kaguluhan at mga sumunod na pananakop, Ang Goryeo ay pinalitan ng Dinastiyang Joseon noong 1388 pagkatapos ng rebelyon ni Heneral Yi Seong-gye. Inihayag ni Heneral Yi na ang bagong pangalan ng Korea ay Joseon bilang pagkilala sa Gojoseon, at inilipat ang kabisera sa Seoul. Ang unang 200 taon ng Dinastiyang Joseon ay kinakitaan ng kapayapaan at ang pagkabuo ng hangul ni HaringSejong noong ika-14 na dantaon at ang paglaki ng impluwensya ng Confucianismo.
.                       

        


  Ang Pagkahati ng North Korea at South Korea
Nahati ang Korea pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isang kapitalistang demokrasiyang liberal na ngayon ang Timog Korea, na sinusuportahan ng Estados Unidos, at tinutukoy minsan bilang "Korea". Nanatiling Kumunistang estado ang Hilagang Korea, sinusuportahan ngUnyong Sobyet, kadalasang sinasalarawan bilang Stalinista at totalitaryan.
Maaaring kumatawan ang Watawat ng Pagsasanib (Unification Flag) sa mga pandaigdang labanang pampalakasan, ngunit hindi ito ang opisyal na watawat ng Timog Korea o Hilagang Korea.


Pagkatapos ng Pagkakahati

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang mga tropa ng Unyong Sobyet at Estados Unidos ay kinontrol ang kalahating hilaga at kalahating timog ng bansa.Ang dalawang magkalaban sa Cold War ay bumuo ng pamahalaang simpatetiko sa kanilang mga sariling mga ideyolohiya, na nagdulot sa Korea upang mahati sa dalawang pulitikal na bansa; ang Hilagang Korea at Timog Korea.
Kahit na nagkaroon ng planong pag-isahin ang Korea noong 1943 ayon sa Deklarasyon ng Cairo, ang tumitinding Cold War ang nagdulot upang mabuo ang dalawang magkahiwalay na pamahalaan: ang komunistang Hilaga at kapitalistang Timog. Sa Hilaga, isang dating gerilyang laban sa Hapon at mga aktibistang komunista, si Kim Il-Sung at sa Timog, isang pinunong pulitikal na Koreano, si Syngman Rhee, ang inilagay bilang mga pangulo.

Noong 1960, isang pagkilos ng mga mag-aaral ang nagdulot sa pagbitiw ng autokrata at mandarambong na Pangulong si Syngman Rhee. Sinundan ito ng panahong ng instabilidad sa pulitika, na dulot ng kudeta na pinumunuan ni Heneral Park Chung-hee laban sa mahina at hindi epektibong pamahalaan noong taong iyon. Si Park ang naging pangulo hanggang siya ay paslangin noong 1979. Sa kanyang pamumuno, kinakitaan ng mabilis na pagtaas ng ekonomiya sa sektor ng export ang Timog Korea, at pati na rin ang matinding pagsupil sa kalayaang pulitikal. Matindi ang naging pagbatikos kay Park bilang isang walang awang militar na diktador, subalit umunlad ang ekonomiyang Koreano noong panahon ng kanyang pamumuno.Noong Hunyo 25, 1950, sinakop ng Hilagang Korea ang Timog na nagdulot ng Digmaang Koreano. Binoykot ng Unyong Sobyet ang Nagkakaisang mga Bansa noon, kaya walang veto, ay nakapagpahintulot sa UN na pumagitna ito nang maging malala na ang malakas na pwersang komunista na maaring madaling masakop ang buong bansa. Ang Unyong Sobyet at ang Tsina ay sinuportahan ang Hilagang Korea, at noong huli ay ang pagsali ng milyong mga tropang sandatahang Tsino. Pagkatapos ng malaking paglusob ng parehong panig, ang digmaan ay lumaon umabot sa patas. Ang kasunduan noong 1953, na hindi nilagdaan ng Timog Korea, na humati sa tangway sa gitna ng isang demilitarized zone na malapit sa orihinal na demarcation line. Wala talagang kasunduang pangkapayapaan ang nilagdaan, at ang dalawang bansa ay teknikal pa ring na sa digmaan.

                  



            Mga pamana ng Korea

Ang pagsusulat at pagpipinta ay itinuturing ng mga Asyano bilang magkapatid na sining. Ito ay dahil sa malinaw na nakikitang pagpapahayag ng mga Asyano ng kanilang mga damdamin sa pagpipinta. 

Ang mga pintang Korean ay karaniwang matatagpuan sa mga pader ng mga templo sa pormang mural. Nang lumaganap ang Buddhism sa bansa, nalinag naman ang mga pintang  Buddhist na karaniwan namang nakapinta sa mga scroll. Si Chang Son ang kinikilalang nagpasigla sa lehimitimong pintang Korean.
mga pinta sa dingding


Arkitektura ng mga Koreano

Ang estrukturang Korean naman ay karaniwang itinatayo nang nakabatay sa kalikasan. Hindi magandang pangitain sa mga Korean ang kawalan ng isang magandang tanawin ng kabundukan at tubig para sa isang gusali.


                                                                                                               Seramiks at Palayok

Celadon





Ang Celadon ay nanggaling sa Tsina at Korea. 

Ang Plorera o palayok ay isa sa uri ng handicraft na nalinag hindi lamang ng mga tsino kung hindi pati na rin ng mga koreano.











Katutubong Sayaw ng mga Koreano

Ang sayaw ng mga koreano ay nagpapakita ng kasiyahang metapisikal. Ang Salpuri Talch'um o cymbal, law drum dance, at fan dance ang mga tanyag at kinikilalang simbolo ng kulturang Koreano.
                                                  Salpuri (korean shamanic dance)




Korean Fan Dance

Mga makasaysayan na mga lugar sa South Korea

Gyeongbokgung (palace)



Gyeongbokgung (Palace) - Itinayo ito noong 1395 at kilala sa bansag na "Northern Palace".  Nasunog ito noong pagsakop ng mga hapon (1592-1598)  at ipinagawa ulit sa ilalim ng Heungseondaewongun sa pamamahala ni King Gojong.




Bulguksa Temple




The Bulguksa temple
 Itinayo ito noong 528, at nagbibigay ito ng outstanding na halimbawa ng arkitektura ng Silla Dynasty. Ang Bulguksa ay nangangahulugang "Buddha Land Temple". Ang mga haring nakatira rito ay naniniwalang ang kanilang sarili ay mga "Buddha Land Rulers."

Changdeokgung


    Changdeokgung



Ito ay kabilang sa limang magagarbong palasyo na pinagawa ng mga hari sa Joeson Dynasty  at isa sa thrilling na makasaysayang lugar sa South Korea. Ito ay  Itinayo noong 1405-1412 at itong lugar na ito ay napabilang sa listahan ng UNESCO na heritage na lugar sa Korea. Ang Changdeokgung ay isang napakalaking palasyo at maraming iba't - ibang mga tanawin pero ang main highlight ay ang "Beautiful Secret Garden."
secret garden




Cheomseongdae Observatory 



Ang Cheomseongdae Observatory sa South Korea history ay isa sa mga pinakalumang mga istraktura sa Korea.

'Star Gazing Tower' ang kahulugan nito at itinalaga ito bilang Nationa Treasure 31 at itinayo sa panahon ng kapangyarihan ng Queen Seonduk ng Lumang Silla Kingdom noong 634. Ito  ang pinakalumang umiiral na obserbatoryo sa Far East at isa sa mga pinakalumang agham installation sa lupa.

Cheomseongdae Observatory sa South Korea ay isang natatanging bottled-shaped na gusali na kung saan ay ginamit bilang isang pang-astronomiyang obserbatoryo.







Maraming Naipama sa atin ang ating kasaysayan at ito ay mahalaga dahil dito nakabatay ang ating kasalukuyan at dahil napapaloob dito ang mga mahahalagang naganap na sa ating bansa. Mahalagang rin ang kasaysayan dahil malaking tulong ang maibibigay nito sa atin para sa darating na mga panahon na ating haharapin. upang mayroon tayong paghahambingan ng mga pangyayari na naganap o magaganap pa lamang.

Ang Bansang India

ANG BANSANG INDIA 
  

Ang India ay ang bansang naiwang
 magulo noong unang panahon. Ito ay nahati-hati sa maliliit na parte. Ngunit, di naglaon lumaganap ang pamumuno ng mga Rajput sa malaking bahagi nito. Ang mga Rajput ay kilala bilang mga maimpluwensiyang pinuno at mandirigma. Kilala rin silang mapaglikha ng mga naggangandahang mga palasyo.Ang salitang Rajput ay galing sa mga salitang Sanskrit 
na ang ibig sabihin ay "anak ng hari". 
Nang sila ay namuno, madali lang napasampalataya sa Hinduism at napasama   sa pangkat ng mga Kshatriyas.


 

ANG PANANAKOP NG MGA MUSLIM SA INDIA


 


Nilusob ni Mahmud Ghazni ang India ng labing pitong ulit at pininsala ng husto ang Delhi, ang kabisera ng India upang maikabit ang Hilagang-kanlurang Punjab sa kanyang kahariang Afghan. Sumunod si Muhammad Ghuriang na sinakop ang mga lungsod ng India hanggang sa marating ang Benares. Itinatag ni Kitb-ud-din ang Dinastiyang Alipin, ang unang Dinastiyang Muslim sa India. Noong 1288 hanggang 1320, pinabagsak ni Khilki ang Dinastiyang Alipian at pinalawak ang kapangyarihang Muslim, Sumunod ay ang pag-agaw ni Firuz Shah Tughlak ng sultanato mula sa pinakamahusay na Sultan ng Delhi. Nilusob din ni "Timur the Lame" o Tamerlane ang India ngunit nagtungo ito ng tuluyan sa Russia. Panghuli ay bumagsak ang Dinastiyang Tughlak at pinalitan ng Dinastiyang Sayyid. 





             IMPERYONG MUGHAL


  

Nang hindi nagtagumpay ang mga nagtangkang sumakop sa India ay sinikap ni Bahloi Lodi na maibalik ang sultanato ngunit gaya rin ng iba hindi siya nagtagumpay. Nagtatag din ng kanya-kanyang kaharian ang mga Rajput. Ang ikalawang pagsalakay ng Muslim ay nasa ilalim ng pamumuno ni Babur ang India. Dahil sa galing niya, natalo niya ang mga kalaban ngunit bago niya pa mapagisa ang mga teritoryo siya ay namatay at nagiwan ng naggagandahang hardin sa KAbul, Lahore, at Agra na tinawag nilang Mughal na ang ibig sabihin ay Mongol. 





   




               ANG PANUNUNGKULAN NI JAHANGIR





"Jahangir", na ang ibig sabihin ay "Grasper of the World" o mangangamkam ng lupain ay ang pangalan ng taong nakamkam ang India hindi dahil sa siya'y makapangyarihan kundi dahil sa talino at kapangyarihan ng kanyang asawa na si Nur Jahan. Nakitaan ng mag-asawa ng potensyal ang kanilang mga anak upang pumalit sa kanila ngunit sila ay nabigo dahil sumanib ang kanilang anak sa samahang Sikh, ang samahan ng mga nananampalataya sa Sikhism na pinaghalong doktrina o elemento ng Hinduism at Islam at dito nagsimula ang alitan sa pagitan ng mga Sikh at Muslim ng Imperyong Mughal.






   


ANG PANUNUNGKULAN NI SHAH JAHAN



Ang pangalan ni Shah Jahan ay nangunguhulagang "Hari ng Daigdig". Sa kabila ng pagiging edukado, siya ay isang haring walang kapanatagan. Lahat ng inaakala niyang magiging karibal niya sa trono ay kanyang ipinapatay. Ang panahon ng kanyang panunungkulan ay tinaguriang ginintuang panahon ng arkitekturang mughal. Bilang alay sa kanyang asawa na namatay na si Mumtaz Mahal ay ipinatayo niya ang isang musoleo na nagsilbing libingan ng kanyang asawa na pinangalanan niyang "Taj Mahal". 




                             ANG PANUNUNGKULAN NI AURANGZEB



Mahigpit na ipinatupad ang Batas Islamic at ipinagbawal ang paginom ng alak, pagsusugal at iba pang masasamang bisyo sa Mughal. Si Aurangzeb ang nagpatupad nito, ang nagpatigil ng pagpapagawa ng templong Hindu at nagpasira din sa lahat ng monumentong may kinalaman sa paniniwalang ito na nagbunga ng pagrerebelde ng mga Rajput . Sa mga huling taon ng kanyang panunugkulan, marami ang naghirap at tuluyan ng nawalan ng tiwala sa kanyang kapangyarihan.


                                    






                     
                        Pamana Ng Kasaysayan

Sa Larangan ng Literatura:

Ang Literaturang Indian ang pinakamatanda sa kasaysayan ng literaturang Asyano. Mahalaga sa Indian ang pagsulat at pasalitang literatura. Bukod sa Vedas, ang Bhagavad Gita ay kilala rin bilang pinakamaimpluwensiyang sulating Sanskrit. 

  • Mahabharata - Isang epiko na kilalang pinakadakila at pinakamahabang epiko sa daigdig na nagbibigay ng malinaw na paglalarawan sa digmaan ng mga tribo sa India noong sinaunang panahon.

  • Ramayana - Isinasalaysay nito ang mapanganib na pakikipagsapalaran ng kinikilalang bayaning si Rama at ng kanyang asawang si Sita.







  • Law Of Manu - kinikilala bilang isa sa pinakamahalang literaturang Hindu.
Si Kalidasa ang itinuturing na pinakadakilang manunulat ng literaturang Sanskrit na sumulat ng Shakuntala at Megha duta.


                  Kalidasa






Sa Larangan ng Sining ng Pagpinta
                                                                                       
Ang Pintang Indian ay naglalarawan ng mga debosyon ng Indian sa kinikilala nilang Diyos na si Krishna.
Krishna



Eskultura ng mga Hindu
vishnu
Ang eskulturang Asyano ay karaniwan ng nakabatay sa relihiyon. Ito ay isinasagawa upang maipaunawa sa mga tao ang misteryo at malalim na konsepto ng kanilang relihiyon at magbigay ng kapanipaniwalang larawan ng kanilang Diyos at Diyosa. Hangad nito na bigyan ang kanilang diyos ng larawang supernatural. Ang Ilang halimbawa ng eskulturang Asyano ay ang mga kilalang diyos at diyosa ng mga Hindu tulad ni Shiva at Vishnu.





Arkitektura ng mga Hindu

Buddhist Stupa

Ang Buddhist Stupa sa India ay nagpapahayag ng pananalig sa relihiyon Buddhism. Kagilagilalas din ang paglalarawan ng kulturang Islamic ng mga arkitekturang tulad ng Taj Mahal na ipinagawa ni Shah Jahan bilang libingan ng kanyang asawa na si Mumtaz Mahal. Ito ay gawa sa puting marmol na dinisenyuhan ng mga eleganteng batong pang-alahas. Karaniwan sa mga arkitekturang Islam ang dome sa gitnang bahagi nito na may taas na 200 na talampakan pataas.

Taj Mahal




Sa Musika ng Hindu

Para sa mga Asyano ang musika, sayaw, tula ay may mahalagang bahagi ng ritwal sa korte ng kanilang mga palasyo. Bukod dito, ito ay ipinapalagay din bilang isang karanasang panrelihiyon. Ang Sayaw at musika ang nagbibigay ng malalim na pakikipag-ugnayan ng mga Asyano sa sandaigdigan.

Ang Ragas mula sa India ay isang halimbawa ng kinikilalang sayaw na may mahikang kapangyarihang na magpagaling ng sakit. Ang Ragas ay inaawit ng mga Indian sa natatanging oras at panahon lamang. Pinaniniwalaang ang pagtugtog nito sa  hindi nakatakdang oras ay maaring magdala ng kasawian at pasakit sa mga nakikinig.

 Ang India ay nakapagpamana ng ilang mahahalagang instrumentong musikal sa daigdig.





Sayaw ng mga Asyano

Pinaniniwalaan ng mga Indian na binuo ni Shiva ang daigdig ng sumasayaw. Bunsod nito, naniniwala ang mga Indian na napapasaya nila ang kanilang Diyos sa pamamagitan ng pagsasayaw.


Sa Larangan ng Isports

Ang pagpapaunlad sa larangan ng Isports ay pinapahalagahan din mga Asyano. Sa pagdaan ng panaho, marami na ring karangalang naibigay ang larangan ng palakasan sa bansang Asyano.


Ang Chess - Ito ay nagmula sa India na di naglaon ay naipasa sa mga persian. Ang Chess ay kilala sa India bilang Chatur-Anga na ang kahulugan ay "apat na angas" - apat na kasapi ng hukbo na binubuo ng elepante, kabayo, karwahe at hukbong katihan.


Ang salitang Checkmate ay nagmula sa salitang Indian na ang kahulugan ay "the king is dead." Ang Raksha ang tagapagtanggol samantaang ang Astapada naman ang walong hakbang o kuwadrado na gamit din sa modernong chess sa kasalukuyan.

Ang Baraha


Ang popular na larong baraha ay nanggaling sa India at kilala bilang Kridapatrams. Ang larong ito ay paboritong laro ng mga hari at maharlika ng kahariang korte sa India. Ang larong ito ay tuklas ni Sages, gamit ang numerong 12 bilang basehan. Ang bawat hari ng baraha ay may 11 na tagasunod kung kaya't ang isang buong baraha ay nagtataglay ng 144 na piraso. Ang lahat ng ito ay mga pintang nagmula sa epikong Rmayana at Mahabharata .



Mga makasaysayang pook sa India:
Great Stupa

Ang bantog na great Stupa sa Sanchi, ay matatagpuan sa burol ng Gitnang India hilagang bahagi ng Bhopal. Ang Stupa ay animoy siboryong estraktura ng simbahan na nilnang bilang parangal sa mga naging dakilang prinsipe o sinumang lider noong sinaunang panahon, ang stupa ay iniugnay ng mga deboto ka Buddha.








Hampi                                                      

Kilala ito bilang  "greatest Hindu Kingdom in India"      
 It has some  ruins, intriguingly intermingled with large boulders that rear up all over the landscape.    The ruins, which date back to the 14th century, stretch for just over 27 kilometers and comprise more than 450 monuments. The most striking monument is the Vittala Temple, dedicated to Lord Vishnu. Its main hall has 56 pillars that make musical sounds when struck.                                


Khajuraho Temples


Khajuraho Temples ay isa sa mga pinakamahusay na templo kabilang sa mga pinaka-magandang medyebal monumento sa bansa. Ang mga templo na ito ay binuo sa pamamagitan ng mga ruler ng Chandella. 
Iyon ay ang ginintuang panahon ng pinuno Chandella.  pinaniniwalaang ang bawat Chandella ruler ay makakabuo ng hindi bababa sa isang templo sa kanyang buhay. Kaya lahat Khajuraho Temples ay hindi binuo sa pamamagitan ng sinumang solong ruler na Chandella.   ang pagpapatayo ngTemple ay isang tradisyon ng mga pinuno ng Chandella at sinusundan ito ng halos lahat ng mga pinuno ng Chandella dinastya.






Maraming Naipamana sa atin ang ating kasaysayan at ito ay mahalaga dahil dito nakabatay ang ating kasalukuyan at dahil napapaloob dito ang mga mahahalagang naganap na sa ating bansa. Mahalagang rin ang kasaysayan dahil malaking tulong ang maibibigay nito sa atin para sa darating na mga panahon na ating haharapin. upang mayroon tayong paghahambingan ng mga pangyayari na naganap o magaganap pa lamang.