ANG BANSANG INDIA
Ang India ay ang bansang naiwang
na ang ibig sabihin ay "anak ng hari".
Nang sila ay namuno, madali lang napasampalataya sa Hinduism at napasama sa pangkat ng mga Kshatriyas.
ANG PANANAKOP NG MGA MUSLIM SA INDIA
ANG PANANAKOP NG MGA MUSLIM SA INDIA
Nilusob ni Mahmud Ghazni ang India ng labing pitong ulit at pininsala ng husto ang Delhi, ang kabisera ng India upang maikabit ang Hilagang-kanlurang Punjab sa kanyang kahariang Afghan. Sumunod si Muhammad Ghuriang na sinakop ang mga lungsod ng India hanggang sa marating ang Benares. Itinatag ni Kitb-ud-din ang Dinastiyang Alipin, ang unang Dinastiyang Muslim sa India. Noong 1288 hanggang 1320, pinabagsak ni Khilki ang Dinastiyang Alipian at pinalawak ang kapangyarihang Muslim, Sumunod ay ang pag-agaw ni Firuz Shah Tughlak ng sultanato mula sa pinakamahusay na Sultan ng Delhi. Nilusob din ni "Timur the Lame" o Tamerlane ang India ngunit nagtungo ito ng tuluyan sa Russia. Panghuli ay bumagsak ang Dinastiyang Tughlak at pinalitan ng Dinastiyang Sayyid.
IMPERYONG MUGHAL
ANG PANUNUNGKULAN NI JAHANGIR
"Jahangir", na ang ibig sabihin ay "Grasper of the World" o mangangamkam ng lupain ay ang pangalan ng taong nakamkam ang India hindi dahil sa siya'y makapangyarihan kundi dahil sa talino at kapangyarihan ng kanyang asawa na si Nur Jahan. Nakitaan ng mag-asawa ng potensyal ang kanilang mga anak upang pumalit sa kanila ngunit sila ay nabigo dahil sumanib ang kanilang anak sa samahang Sikh, ang samahan ng mga nananampalataya sa Sikhism na pinaghalong doktrina o elemento ng Hinduism at Islam at dito nagsimula ang alitan sa pagitan ng mga Sikh at Muslim ng Imperyong Mughal.
ANG PANUNUNGKULAN NI SHAH JAHAN
Ang pangalan ni Shah Jahan ay nangunguhulagang "Hari ng Daigdig". Sa kabila ng pagiging edukado, siya ay isang haring walang kapanatagan. Lahat ng inaakala niyang magiging karibal niya sa trono ay kanyang ipinapatay. Ang panahon ng kanyang panunungkulan ay tinaguriang ginintuang panahon ng arkitekturang mughal. Bilang alay sa kanyang asawa na namatay na si Mumtaz Mahal ay ipinatayo niya ang isang musoleo na nagsilbing libingan ng kanyang asawa na pinangalanan niyang "Taj Mahal".
ANG PANUNUNGKULAN NI AURANGZEB
Mahigpit na ipinatupad ang Batas Islamic at ipinagbawal ang paginom ng alak, pagsusugal at iba pang masasamang bisyo sa Mughal. Si Aurangzeb ang nagpatupad nito, ang nagpatigil ng pagpapagawa ng templong Hindu at nagpasira din sa lahat ng monumentong may kinalaman sa paniniwalang ito na nagbunga ng pagrerebelde ng mga Rajput . Sa mga huling taon ng kanyang panunugkulan, marami ang naghirap at tuluyan ng nawalan ng tiwala sa kanyang kapangyarihan.
Pamana Ng Kasaysayan
Sa Larangan ng Literatura:
Ang Literaturang Indian ang pinakamatanda sa kasaysayan ng literaturang Asyano. Mahalaga sa Indian ang pagsulat at pasalitang literatura. Bukod sa Vedas, ang Bhagavad Gita ay kilala rin bilang pinakamaimpluwensiyang sulating Sanskrit.
- Mahabharata - Isang epiko na kilalang pinakadakila at pinakamahabang epiko sa daigdig na nagbibigay ng malinaw na paglalarawan sa digmaan ng mga tribo sa India noong sinaunang panahon.
- Ramayana - Isinasalaysay nito ang mapanganib na pakikipagsapalaran ng kinikilalang bayaning si Rama at ng kanyang asawang si Sita.
Si Kalidasa ang itinuturing na pinakadakilang manunulat ng literaturang Sanskrit na sumulat ng Shakuntala at Megha duta.
Kalidasa
Sa Larangan ng Sining ng Pagpinta
Ang Pintang Indian ay naglalarawan ng mga debosyon ng Indian sa kinikilala nilang Diyos na si Krishna.
Krishna |
Eskultura ng mga Hindu
vishnu |
Ang eskulturang Asyano ay karaniwan ng nakabatay sa relihiyon. Ito ay isinasagawa upang maipaunawa sa mga tao ang misteryo at malalim na konsepto ng kanilang relihiyon at magbigay ng kapanipaniwalang larawan ng kanilang Diyos at Diyosa. Hangad nito na bigyan ang kanilang diyos ng larawang supernatural. Ang Ilang halimbawa ng eskulturang Asyano ay ang mga kilalang diyos at diyosa ng mga Hindu tulad ni Shiva at Vishnu.
Arkitektura ng mga Hindu
Buddhist Stupa
Ang Buddhist Stupa sa India ay nagpapahayag ng pananalig sa relihiyon Buddhism. Kagilagilalas din ang paglalarawan ng kulturang Islamic ng mga arkitekturang tulad ng Taj Mahal na ipinagawa ni Shah Jahan bilang libingan ng kanyang asawa na si Mumtaz Mahal. Ito ay gawa sa puting marmol na dinisenyuhan ng mga eleganteng batong pang-alahas. Karaniwan sa mga arkitekturang Islam ang dome sa gitnang bahagi nito na may taas na 200 na talampakan pataas.
Maraming Naipamana sa atin ang ating kasaysayan at ito ay mahalaga dahil dito nakabatay ang ating kasalukuyan at dahil napapaloob dito ang mga mahahalagang naganap na sa ating bansa. Mahalagang rin ang kasaysayan dahil malaking tulong ang maibibigay nito sa atin para sa darating na mga panahon na ating haharapin. upang mayroon tayong paghahambingan ng mga pangyayari na naganap o magaganap pa lamang.
mga pangyayari po noong dumating ang mga great Britain pls
TumugonBurahinYung tungkol po sa world war 2?
TumugonBurahinSalamat
yung martial arts po?
TumugonBurahin